Sabado, Enero 23, 2016

UAAP Season 78 Countdown

Mga Biradoras walong araw na lang! Simula na ng UAAP Season 78 Women's Volleyball


Jaja Santiago, Middle blocker of National University - Kuha ni Arvin Lim


Eto naman ang pinakalatest schedule ng UAAP Women's Volleyball


Schedule of UAAP Season 78 Women's Volleyball- Courtesy of ABS-CBN Sports and Action



Ang Blog ng isang Biradora


Malupit akong fan ng balibol.

Gustong-gusto kong panoorin ang mga malalakas na spikes, malulupit na blocks at lalo na ang maaksyon na pagsave ng mga manlalaro sa bola. Hanga rin ako sa lakas, tibay at tapang ng mga balibolista na halos hapong-hapo na pero patuloy paring lumalaban upang manalo.

Ito ang dahilan kung bakit ako lumikha ng isang blog kung saan makakarelate din ang mga kapwa ko fans lalo pa't malapit na rin ang UAAP Season 78 Women's Volleyball Tournament.

Lahat ng mga opinyon ko tungkol sa mundo ng balibol ay aking ibabahagi sa blog na ito (actually sa women's volleyball lang).
Halimbawa: Sino ang top 10 overrated volleyball players? Sino ang top 10 underrated players at marami pang iba.

At hindi lang yan.

Mga Biradoras, iuupdate ko rin kayo sa schedule ng UAAP Season 78, mga stats at scoresheets ng bawat game, mga nangunguna sa MVP Race, spiking, blocking and other categories and related stuff. Weekly ay magfefeature din ako ng isang volleyball player and my views about her.

O diba? Hindi lang kayo maiinform, maeentertain din :)

Kaya tutok lang kayo sa blog na ito ha! Halaaaaaa, Bira!

Mga larawan ko habang naglalaro ng balibol. - Kuha ni Dianne Concepcion



Ako at si Peter Torres ng NU Men's Volleyball Team - Kuha ni Diana Ang